Pilipinas Shell libre sa excise tax
Court stops gov’t
from collecting taxes
Nag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO ang Supreme Court na nagbabawal sa Batangas Port Bureau of Customs ng pagpapataw at paniningil ng excise tax sa pag-aangkat ng Alkylate ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation simula July 30 ng taong kasalukuyan.
Bukod sa District Collector ng Batangas Port, kasama sa inaatasan ng court order na tumalima ang Court of Tax Appeals , Commissioner of Internal Revenue and Customs at mga kinatawan nito.
Epektibo sa lalong madaling panahon, pinipigilan ng TRO na ipinalabas ng Second Division of the Supreme Court na may petsang July 30, 2014, ang mga opisyal ng mga nabanggit na ahensya na mag impose ng excise taxes sa alkylate importations o ang pagpapatupad ng BIR Ruling No. M-059-2012 dated 29 June 2012.
Ang Second Division of the Supreme Court of the Philippines ay binubuo nina Justice Antonio Carpio as Chairman, members: Justices Arturo Brion, Jose Perez, Mariano del Castillo at Justice Estrella Perlas-Bernabe. Si Justice Carpio ang founding partner ng law firm na nagdedepensa sa mga tax cases ng Shell.
“NOW THEREFORE, effective immediately and continuing until further orders from this Court, You, the respondents, the Court of Tax Appeals, Commissioner of Internal Revenue, Bureau of Customs and Collector of Customs of the Port of Batangas, their representatives, agents or other persons acting on their behalf are hereby RESTRAINED from imposing excise taxes in the incoming alkylate importations of petitioner under the subject BIR Ruling No. M-059-2012 dated 29 June 2012.”
Kaugnay nito, tinatayang mababawasan ng hindi bababa sa P700 million kada taon ang koleksyon ng Port of Batangas (POB) sa kasalukuyang taon at sa mga susunod pa, simula ng nakalipas na buwan hanggang hindi binabawi ng korte ang TRO.
Sa pahayag ni Batangas Port Collector Ernesto P. Benitez Jr., malaking bulk ng koleksyon ng kanyang nasasakupan ay umaasa sa oil and vehicle imports. Malaki umanong kabawasan sa koleksyon ang restraining order ng korte ngunit wala silang magagawa kundi ang sumunod sa ipinag-uutos nito. Aniya, mabuti na lamang umano at bumuhos na ang mga barko na nagpaparating ng container vans sa Batangas port.
Ayon sa source ng Headlines News News Today, sa taong 2014 mula January-June (except March) nakakolekta ang POB sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) para sa excise tax ng Alkylate ng P279-million, para sa kabuuang shipment na 44.8-million sa loob lamang ng 5 buwan. Walang dumating sa buwan ng March, July at August.
Matatandaang may dalawang kasong kinakaharap ang Shell kaugnay ng isyung nabanggit. Una ay ang P7.348-billion sa pag-aangkat ng Catalytic Cracked Gasoline/Light Catalytic Cracked Gasoline o CCG/LCCG; ikalawa ang P1.9-billion sa pag-aangkat ng Alkylate, kapwa sa hindi pagbabayad ng excise tax and VAT simula 2004 hanggang 2011.
Taong 2001 nang mag-umpisang mag-import ang Shell ng CCG/LCCG na idinedeklarang Unleaded Gasoline at nagbayad ng average annual excise taxes ng P780M.
March 24, 2004, nagpalabas ng memorandum si dating BIR Deputy Commissioner Mario Buñag na ina-adopt ang opinion ng Department of Energy na sinasabing ang CCG/LCCG ay hindi dapat patawan ng excise tax dahil sa ito umano ay blending component lamang. Pinawalang-saysay naman ito ng BOC dahil ayon umano sa National Internal Revenue Code, walang authority ang deputy commissioner na baguhin ang batas o magkaloob ng tax exemption. Gayunpaman, hindi na nagbayad ng excise tax ang Shell simula 2004 hanggang sa umupo si dating POB District Collector Atty. Juan N. Tan, October 2008.
Sa pag-upo ni Tan, kaagad itong nagsagawa ng auditing sa mga outstanding collectibles ng POB. January 30, 2009 inumpisahan nang singilan ni Collector Tan ang Shell hanggang sa iniakyat ang kaso sa Office of the Commissiner. Bumuo ng verification committee ang noon ay Customs commissioner, na si Napoleon Morales. Sinuportahan ng buong komitiba ang decision ni Tan na dapat magbayad ang Shell ng excise tax for its importation of CCG/LCCG simula 2004 hanggang 2009. Umabot sa P7.348-billion hanggang September 2009 ang principal amount ng kolektahin ng POB sa Shell. Agad pinadalhan ni Commissioner Morales ng demand letter ang Shell na nakasaad na kung mabibigo itong magbayad, ipatutupad na ang Section 1508 of the TCCP na sinasabing ihol-hold ng District Collector ang delivery or release ng imported goods hanggang mabayaran ang pagkakautang ng Shell.
December 2009 sa halip na mag comply sa utos, iniakyat ng Shell ang isyu sa Court of Tax Appeals at nagfile ng Petition for Review and Verified Motion for the Issuance of a Suspension Order Against the Collection of Taxes with Prayer for Immediate Issuance of Temporary Restraining Order. Nabigyan ng 60-day TRO ang Shell. Samantala, December 15, 2009 nag isyu ng memorandum ang noon ay BIR Commissioner na si Joel Tan Torres na sinasabing subject to excise tax ang CCG/LCCG. Dahil dito, habang nakapending ang P7.348B case sa CTA, nagbayad na ang Shell ng excise tax and VAT sa mga dumating na shipments of CCG/LCCG simula sa petsang inisyu ang memorandum hanggang May 2010.
February 2011 nag follow up ang Headlines News Today sa kaso kung saan natuklasan ng pahayagan na nawala na ang mga shipments ng Shell na idinedeklarang CCG/LCCG simula June 2010 at sa halip ay idineklara na ng Shell na Alkylate ang mga shipments nitong unleaded gasoline o CCG/LCCG. Ipinarating ng HNT sa kinauukulan ang natuk-lasang misdeclaration.
Matapos ang masusing verification at magka-kahiwalay na pagsisiyasat ng Bureau of Customs, BIR at Tariff Commission, nakumpirma ng mga nasabing ahensya na gasolina ang Alkylate. March 12, 2012 nagpalabas ng ruling ang Tariff Commission na sinasabing motor spirit ang Alkylate, na British term for gasoline. June 29, 2012 iniisyu naman ni Commissioner Kim Henares ang BIR Ruling No. M-059-2012 dated 29 June 2012 na nagsasabing exciseable ang Alkylate. Bagama’t hindi pa binabayaran ng Shell ang P7.348-billion for CCG/LCCG (covering 2004-2009) at P1.9-billion for Alkylate (June 2010-February 2011) na ngayon ay subject ng mga kasong naka pending sa CTA at Supreme Court, napilitan nang magbayad (under protest) ng excise tax ang Shell ng mga shipments na idinedeklara nilang alkylate simula July, 2012 sa bisa ng nabanggit na BIR Memorandum.
Dahil sa utos ng Supreme Court, July 30 ng taong kasalukuyan, hindi pa man nababayaran ng Shell sa pamahalaan ang mga nabanggit na halaga (P7.348B at P1.9B), pinagbabawalan pang kumolekta ng excise tax ang BOC at BIR sa mga future importations ng Alkylate ng nabanggit na pinakamalaking oil company sa bansa.